Sulatin ni Andrea


       Lahat tayo ay may kanya kanyang layunin kung bakit tayo nagsusulat; pormal man o di-pormal. Kung kaya't meron tayong akademikong pagsulat kung saan sinasanay tayong gumawa o magbuo ng isang sulatin. Ang pagbuo ng isang sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Kung ikaw ay magsusulat, dapat lamang isaalang-alang ang mga importanteng bahagi at alam mo rin ang iyong layunin kung bakit ka nga ba nagsusulat at kung para saan ito.

Mahalagang malaman ang layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng pag-aaral upang mas maintindihan o maunawaan nila kung bakit nga ba kailangan natin matuto. Ginagamit din sa iba't ibang anyo ang mga sulatin upang mas makapili ang mga mag-aaral kung saan sila sanay at mabilis makaintindi, at iba't ibang paraan rin  ang ginagamit sa pagtuturo kung saan mas mabilis mauunawaan ang isang sulatin. Dapat hindi lang sulat ng sulat kundi dapat maunawaan mo rin ang iyong sulatin. Alamin ang iyong layunin at kahalagahan ng isang sulat, kung kaya't meron tayong iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral upang lahat ay magkaroon ng kalikasan sa iba't ibang uri ng pagsulat.

Kung ikaw ay gagawa ng isang sulatin, alamin ang iba't ibang proseso ng pagsulat upang ikaw ay mas maunawaan ng mambabasa. Ang isa sa proseso ng pagsulat ay bago sumulat o prewriting sa Ingles. Sa bahaging ito, ikaw ang nagbabahagi nang iyong kaalaman. Habang sumusulat o actual writing, binibigyan ng halaga ang mga mambabasa. Pagkatapos sumulat o post-writing sa Ingles, sa bahaging ito ginagawa ang pagkakaltas, bantas o pag-aayos ng iyong gawa.

- Andrea T. Cepris

Mga Komento