Sulatin ni Val




         Ngayon, mahalagang malaman ang paraan ng pagsulat upang malinang ang kaalaman at matutunan ang mga iba't ibang uri ng sulatin na ginagamit sa isang akademikong institusyon. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin.

        May mga iba't ibang uri ng katangian ang akademikong pagsulat. Ito ay ang mga pormal, obhetibo, paninindigan, pananagutan at kalinawan. Mayroon ding mga pagsasanay sa akademikong pagsulat, ang dalawang halimbawa nito'y ang makapaggawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't-ibang uri ng teksto at iba pa.

Ang pagsusulat ay hindi lamang para sa mga mag-aaral at mga nagtatrabaho na may kinalaman sa pagsulat kundi ito ay maaari ring gamitin ng buong katauhan. Ang pagsusulat ay mahalaga upang makalap natin ang mga impormasyon at mga saloobin natin sa ibang tao. Ang pagsulat ay nagagamit din para maihayag ang mga opinyon sa ibang larangan o bagay. Ang pagsulat ay ginagamit din sa tula at rap battles upang mas madali nilang makabisa ang kanilang mga linyang nabuo.

- Valeriano F. Araga

Mga Komento