Sulatin ni Rexie

        Mahalaga ito dahil sa pagsulat naisasaad ang bawat damdamin ng isang tao, naiwawasto ng maayos ang bawat pangungusap at tayong Pilipino ay kilala sa pagsulat dahil sa ating mga ninuno na mahuhusay sa pagsulat kaya mahalaga ito sa pag-aaral para din sa mga pagsusulit upang maging maayos ang gramatika at maintindihan ito ng mambabasa.

May iba't ibang uri ng sulating ginagamit sa pagsulat mahalaga ito dahil kung wala ito, hindi maayos ang ating pagsulat at kung gagawa ka ng kwento ay dapat maayos at maintindihan ng mambabasa para maramdaman nila ang iyong sinusulat.

Sa pagsulat, maaari kang gumawa ng tula, talumpati, kwento at iba pa. Mahalaga ito malaman dahil magagamit natin ito sa araw-araw at makakatulong din ito sa larangan ng akademiko sapagkat kung nakawasto ng maayos ang pagsulat, mas madaling maintindihan ito ng mambabasa at matutuwa sila ito basahin.

-Rexie Feguerra

Mga Komento