Sulatin ni Robin
Ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ay ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa iba't ibang anyo ng akademikong pagsulat. Alam naman nating laat na mayroong iba't ibang klase ng sulatin. Mainam na malaman natin ang mga pagkakaiba-iba nila sapagkat sila ay hindi pare-pareho at may sari-sariling ayos na kailangang sundin. Kumbaga sa bahagi ng katawan, kailangan na una natin malaman ang trabaho ng bawat bahagi bago natin maintindihan ang kanilang pagkakaiba at ayos bilang kabuuan.
Una, dahil hindi pare-parehas ang mga akademikong pagsulat, mabuti na alam natin ang kanilang kalikasan para alam na rin natin ang mga susunod na gagawin. Ang pagiging maalam natin sa kalikasan ay maghahatid sa atin para malaman ang mismong ayos o porma ng pagsulat. Halimbawa ay kapag tayo ay nagsusulat ng isang tula. Alam dapat natin na ito ang klase ng sulatin na mayroong tugma at kailangan ng malawak na imahinasyon. Pangalawa, ay ang layunin kung saan tayo ay hindi lamang basta-basta nagsusulat ngunit nagsusulat tayo para maihatid ang makabuluhang mensahe sa mga mambabasa. Dapat alam natin kung para saan at bakit tayo nagsusulat. Dapat isaalang-alang na rin natin ang magiging gampanin ng bawat sulatin dahil sila'y hindi pare-parehas. Dahil kapag hindi natin alam iyon, maaaring magkaroon ng pagkalito ukol sa sulating iyong ginawa. Halimbawa nito ang posisyong papel at replektibong papel. Layunin ng posisyong papel na maibigay ng manunulat ang kanyang posisyon ukol sa isayu at ang replektibong papel naman ay para maisulat o maiparating sa mambabasa kung ano ang iyong natutunan at ang pakikipag-ugnay sa iyong buhay. Panghuli, ay ang paraan dahil may iba't ibang estilo ang akademikong pagsulat. May mga bagay sa isang partikular na sulatin na kailangang iwasan ngunit sa ibang sulatin ay pwede iyon. Kaya para itong isang istraktura na may sariling porma at ayos na marapat nating malaman.
Sa ating buhay, may iba't ibang responsabilidad tayo sa ibang tao o sa isang sitwasyon. Gayundin sa akademikong pagsulat, may iba't ibang kalidad na dapat gampanan. Mainam na ito ay pag-aralan dahil magagamit natin ito kahit tayo ay tapos na sa pag-aaral. Ito ay makakatulong para maging pormal at maayos ang paraan ng ating pagsulat na kailangan natin sa hinaharap.
- Robin Wright A. Aratan

Magandang araw Robin! Ako ay humihingi ng permiso para hiramin ang iyong sanaysay. Ilalagay ko ang pangalan mo bilang pagrespeto at pag-recognized sa mahusay mong gawa. Maraming salamat!
TumugonBurahin