Mga Post
Sulatin ni JM
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mahalagang mapag aralan ang mga uri ng pag sulat upang malinang tayo sa ibat ibang paraan kung papaano gamitin ang mga tamang sulatin na kinakailangan natin sa pakikipag salamuha sa modernong mundo. Malaki ang naidudulot ng pag aaral ng mga ibat ibang uri ng pag sulat sapagkat ito ay maaari nating ituro sa mga susunod pang mga henerasyon. Bilang isang studyant e mahalagang mapag aralan ang ibat ibang uri ng pag sulat sapagkat dito natin malalaman kung anong anyo ng pag sulat ang nararapat sa atin at kung saang larangan ng pag sulat kami mas nadadalian. Sa pag sulat, dito na tin na naipapahayag ang saloobin natin at damdamin katulad ng pag sulat ng mga Liham, Love letter, kwento at iba pa. Pormal na pagsulat, Obhetibo, Paninindigan, Pananagutan at kalinawan. Ito ang mga halimbawa ng mga pag sulat na kinakailangan natin...
Sulatin ni Rexie
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mahalaga ito dahil sa pagsulat naisasaad ang bawat damdamin ng isang tao, naiwawasto ng maayos ang bawat pangungusap at tayong Pilipino ay kilala sa pagsulat dahil sa ating mga ninuno na mahuhusay sa pagsulat kaya mahalaga ito sa pag-aaral para din sa mga pagsusulit upang maging maayos ang gramatika at maintindihan ito ng mambabasa. May iba't ibang uri ng sulating ginagamit sa pagsulat mahalaga ito dahil kung wala ito, hindi maayos ang ating pagsulat at kung gagawa ka ng kwento ay dapat maayos at maintindihan ng mambabasa para maramdaman nila ang iyong sinusulat. Sa pagsulat, maaari kang gumawa ng tula, talumpati, kwento at iba pa. Mahalaga ito malaman dahil magagamit natin ito sa araw-araw at makakatulong din ito sa larangan ng akademiko sapagkat kung nakawasto ng maayos ang pagsulat, mas madaling maintindihan ito ng mambabasa at matutuwa sila ito basahin. -Rexie Feguerra
Sulatin ni Robin
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ay ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa iba't ibang anyo ng akademikong pagsulat. Alam naman nating laat na mayroong iba't ibang klase ng sulatin. Mainam na malaman natin ang mga pagkakaiba-iba nila sapagkat sila ay hindi pare-pareho at may sari-sariling ayos na kailangang sundin. Kumbaga sa bahagi ng katawan, kailangan na una natin malaman ang trabaho ng bawat bahagi bago natin maintindihan ang kanilang pagkakaiba at ayos bilang kabuuan. Una, dahil hindi pare-parehas ang mga akademikong pagsulat, mabuti na alam natin ang kanilang kalikasan para alam na rin natin ang mga susunod na gagawin. Ang pagiging maalam natin sa kalikasan ay maghahatid sa atin para malaman ang mismong ayos o porma ng pagsulat. Halimbawa ay kapag tayo ay nagsusulat ng isang tula. Alam dapat natin na ito ang klase ng sulatin na mayroong tugma at kailangan ng malawak na imahinasyon. Pangalawa, ay ang la...
Sulatin ni Val
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ngayon, mahalagang malaman ang paraan ng pagsulat upang malinang ang kaalaman at matutunan ang mga iba't ibang uri ng sulatin na ginagamit sa isang akademikong institusyon. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. May mga iba't ibang uri ng katangian ang akademikong pagsulat. Ito ay ang mga pormal, obhetibo, paninindigan, pananagutan at kalinawan. Mayroon ding mga pagsasanay sa akademikong pagsulat, ang dalawang halimbawa nito'y ang makapaggawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't-ibang uri ng teksto at iba pa. Ang pagsusulat ay hindi lamang para sa mga mag-aaral at mga nagtatrabaho na may kinalaman sa pagsulat kundi ito ay maaari ring gamitin ng buong katauhan. Ang pagsusulat ay mahalaga upang makalap natin ang mga impormasyon at mga saloobin natin sa ibang tao. Ang pagsulat ay n...
Sulatin ni Andrea
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Lahat tayo ay may kanya kanyang layunin kung bakit tayo nagsusulat; pormal man o di-pormal. Kung kaya't meron tayong akademikong pagsulat kung saan sinasanay tayong gumawa o magbuo ng isang sulatin. Ang pagbuo ng isang sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Kung ikaw ay magsusulat, dapat lamang isaalang-alang ang mga importanteng bahagi at alam mo rin ang iyong layunin kung bakit ka nga ba nagsusulat at kung para saan ito. Mahalagang malaman ang layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng pag-aaral upang mas maintindihan o maunawaan nila kung bakit nga ba kailangan natin matuto. Ginagamit din sa iba't ibang anyo ang mga sulatin upang mas makapili ang mga mag-aaral kung saan sila sanay at mabilis makaintindi, at iba't ibang paraan rin ang ginagamit sa pagtuturo kung saan mas mabilis mauunawaan ang isang sulatin. Dapat hindi lang sulat ng sulat kundi dapat maunawaan mo rin ang iyong sulatin. Alamin a...